PULITIKA 2022 SA PINAS STAR-STUDDED

WAGI ang mga artista sa May 9, 2022 elections, at nanguna pa sa senatorial race si Robin Padilla. Keribels ninyo yon? Patunay itong may hatak pa rin ang kasikatan ng mga artista.

Maituturing din na celebrity ang broadcaster na si Raffy Tulfo na nasa ikatlong pwesto, habang nag-aagawan sa panghu­ling puwesto ang dating aktor at senador na si Jing­goy Estrada at ang komedyante at dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista.

Sa kongreso, na­ngunguna sa first district ng Quezon City ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde, dating PBA player na si Franz Pumaren sa third district ng Quezon City; mag-inang Lani Mercado sa second district ng Cavite at Jolo Revilla sa first district ng Cavite; Dan Fernandez sa lone district ng Sta. Rosa, Laguna; boyfriend ni Aiko Melendez na si Jay Khonghun sa first district ng Zambales; mister ni Vilma Santos na si Ralph Recto at ang da­ting swimmer na si Eric Buhain sa Batangas; at si Richard Gomez sa fourth district ng Leyte.

Sa pagkagobernador, lusot sina Daniel Fernando at Alex Castro bilang governor at vice governor ng Bulacan, at vice go­vernor ng Oriental Mindo­ro naman si Ejay Falcon.

Sa mga tumakbong mayor, syempre wagi si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes sa Pasig City; Lucy Torres ng Ormoc City, Leyte; Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental; Ina Alegre ng Pola, Oriental Mindoro; at ang dating PBA player na si Vergel Meneses sa Bulacan, Bulacan.

Panalo namang vice mayor ang aktor na si Yul Servo sa Manila; ang dating PBA player na si Dodot Jaworski sa Pasig City; at ang pinsan ni Vico na si Gian Sotto sa Quezon City.

Konsehal naman nana­lo sina Alfred Vargas at Aiko Melendez sa Quezon City; Angelu de Leon at Kiko Rustia sa Pasig City; basketball pla­yers na sina Paul Artadi, James Yap, Don Allado, actor na si Ervic Vijandre, at ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay sa San Juan City; Vandolph Quizon, Jomari Yllana, at Ryan Yllana sa Parañaque City; Jhong Hilario sa Makati City; Bibet Vidanes sa Pililla, Rizal; Lou Veloso sa Manila; Bb. Pilipinas-Globe 2019 Leren Bautista sa Los Baños, Laguna; at Nash Aguas sa Cavite City.

Bilang board member, pasok si Jason Abalos sa Nueva Ecija. Huwag na nating banggitin ang mga natalo

JANELLA SALVADOR, MARKUS PETERSON HINDI HIWALAY

Mabuti pa rin ang samahan ng live-in partners na sina Janella Salvador at Markus Paterson kahit matunog ang balitang nagkaalitan sila.

Just recently, nag-post si Markus sa Instagram ng litrato ng kanyang mag-inang Janella at Jude Trevor na ang caption ay: “happy Mo­ther’s Day, celebrate the amazing mother you have become. So, hindi totoo ang tismis.

Normal naman sa magkarelasyon ang nagkakatampuhan paminsan-minsan. Siguro, yun ang dahilan kaya umugong ang balitang hiwalay na sila. Saka hindi kasi madalas mag-post ng photos sina Janella at Markus, at nagmarites pa si Ogie Diaz na ayon daw sa common friends nila, hiwalay na ang dalawa.

The truth is, pareho silang busy. Si Markus, sa teleseryeng Viral Scandal, at si Janella naman, sa shooting ng Darna. Huwag na kayong mag-isip ng iba pa