BINIGYANG-DIIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi maaaring gamitin ng mga pulitiko ang 3-day national vaccination drive sa pampulitikang aktibidad.
Sinabi ni DILG spokesman Jonathan Malaya, maaaring maharap ang pulitiko sa mga kaso dahil sa paglabag sa mga pamantayan sa kalusugan.
Aniya, kabilang sa hindi maaaring gawin ng mga pulitiko ay ang paglalagay ng mga tarpaulin na may pangalan at pagdadala ng mga tao.
Sa kabilang dako, inatasan na rin nila ang mga Local Government Unit na mag-tap ng mga contact tracer na may medical background upang makatulong sa pagkolekta ng data.
Samantala, target ng pamahalaan na mabakunahan ang siyam na milyong indibidwal sa loob ng tatlong araw. DWIZ882