MAYNILA – NABUKING ang modus ng isang driver na nagpapanggap na pulis upang makatakas sa traffic violation nang pagdudahan ng humuling enforcer at ipinaaresto sa tunay ng mga pulis sa Sampaloc.
Kalaboso ang bagsak at nahaharap sa kasong usurpation of authority and falsification of public documents si Samuel Siy, 42-anyos, residente ng Brgy. Dela Paz, Pasig City.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD) Traffic Enforcement Unit, unang nasita ng tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau ang suspek sa panulukan ng P. Campaat A., Mendoza Street dahil sa paglabag sa number coding.
Habang tinitiketan ng traffic enforcer ang suspek nagpakilala ito na miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pangalang SPO1 Samuel Siy na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) at nagpakita ng kanyang identification card.
Gayunman kinutuban at nagduda ang enforcer kaya agad itinawag sa UBA Police Station ang pagkakakilanlan ng suspek at nadiskubreng peke ang kanyang ID.
Dahil dito, inaresto ng pulisya ang suspek at sasampahan ng mga kaukulang kaso. PAUL ROLDAN