LAGUNA – HINDI na nakabalik sa selda ang isang pugante makaraang mabaril at mapatay ng awtoridad sa Brgy. Perez, Calauan.
Nanlaban umano sa tumutugis na miyembro ng Regional Intelligence Unit (RIU4A) 4th Maneuver Platoon at Calauan PNP ang nasawi na Person Under Police Custody (PUPC) na si Noel Ibareta, may kasong murder ng Brgy. Dayap ng nasabing bayan.
Tumakas si Ibareta kasama ang dalawang naaresto nitong kasamahan na sina Elbert Roxas, may kasong rape and Illegal Drugs at Marc Espenzer Mendoza matapos magpamasahe sa kanila ang nakatalagang Jail Officer pasado ala-una ng madaling araw.
Alas-6:00 ng umaga nang magkasa ng follow- up operation ang mga tauhan ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II sa lugar matapos makatanggap ng impormasyon kung saan nagtatago ang suspek.
At sa halip na sumuko, nanlaban ang suspek na siyang ikinasawi nito. DICK GARAY
Comments are closed.