TINANGGIHAN ng Malacañang ang panawagan na magkaloob ang pamahalaan ng ayuda na katulad noong nakaraang taon nang isailalim ang bansa sa enhanced community quarantine sa kabila ng mas mahigpit na COVID-19 policies sa Metro Manila at apat na karatig-lalawigan.
Suspendido ang operasyon ng ilang negosyo habang ang iba ay limitado sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, na tatawaging “NCR Plus” hanggang Abril 4.
Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, ang tulong lamang na matatanggap ng mga negosyo sa bubble na ito ay loans at emergency employment.
“Pero in terms of iyong sinasabi mong ayuda na gaya ng ibinigay natin sa ECQ, dahil hindi naman po natin pinipigil magtrabaho ang ating mga kababayan eh hindi na po tayo dapat magbigay ng ganoong ayuda dahil puwede pong maghanapbuhay ang lahat,” aniya sa isang press briefing.
Magugunitang namahagi ang gobyerno ng bilyon-bilyong cash aid sa mahihirap at walang trabaho noong nakaraang taon nang isailallm ang bansa sa ECQ.
“I understand iyong mga local governments po, iyong mga subject to localized and granular, nagbibigay po rin sila ng ayuda,” ani Roque.
499547 756222Read more on that Post.Valuable info. 281553
325714 78515A domain name is an identification label which defines a realm of administrative autonomy, authority, or control in the Internet. Domain names are also critica for domain hostingwebsite hosting 811053