PVF INIMBITAHAN SA FIVB WORLD CONGRESS

on the spot- pilipino mirror

IMBITADO ang Philippine Volleyball Federation (PVF) sa 37th World Congress ng International Volleyball Federation (FIVB).

Pinadalhan ng FIVB, sa pamamagitan ni Ms. Daniela Pirri ng FIVB President’s Office, ng imbitasyon si PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada upang dumalo sa  37th FIVB World Congress virtual meeting sa  Pebrero 8-10.

Ikinasiya ni Cantada ang pagkilala ng FIVB na pagpapatunay sa katayuan ng asosasyon bilang tanging miyembro ng International volleyball federation.

“PVF is attending the 37th FIVB World Congress as the officially recognized member representing the Philippines in the FIVB,” pahayag ni Cantada.

Orihinal na nakatakda ang pulong noong Oktubre 15-17, 2020 at iniurong sa  Enero 27-29, 2021 sa Phuket, Thailand, ngunit bunsod ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic, isasagawa ito via virtual.

o0o

Tahasang itinanggi ni Rain ot Shine team owner Raymond Yu ang kumakalat na balitang ibebenta na nila ang kanilang prangkisa sa susunod na taon dahil sa pandemic na kinakaharap ng bansa.

Bagaman ramdam ng ROS ang panghihina ng negosyo mula nang manalasa ang COVID-19 sa buong mundo, hindi  naman sila sumusuko sa laban para ipagpatuloy ang paglahok sa 46th season ng PBA na magbubukas sa Abril 2021.

Sa naging usap-usapan sakaling matuloy ang pagpapaalam ng ROS sa PBA ay may nakaabang ng mga team sa big three players g Elasto painters na kinabibilangan nina James Yap, Beau Belga at Gabe Norwood.

Si Yap ay posibleng kunin muli ng Magnua Hotshots, si Belga naman ay sa NLEX  Road Warriors habang si Norwood ay sa kampo ng Barangay Ginebra.

Comments are closed.