PVL: 2ND WIN SA LADY TROOPERS

Standings W L
Cignal HD 3 0
Creamline 2 0
Army 2 1
PLDT 1 1
Choco Mucho 1 2
PetroGazz 0 2
Chery Tiggo 0 3

Mga laro bukas:
(Sta. Rosa Multi-Purpose
Sports Complex)
2:30 p.m. – PetroGazz vs Chery Tiggo
5:30 p.m. – Cignal vs Creamline

DINISPATSA ng Army-Black Mamba ang kulang sa taong Choco Mucho, 25-22, 22-25, 26-24, 25-19, upang iposte ang kanilang ika-2 sunod na panalo sa Premier Volleyball League Invitational Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Sinamantala ng Lady Troopers ang pagliban nina Kat Tolentino, Des Cheng, Cherry Nunag at Thang Ponce upang manatili sa loob ng top four range, habang ipinalasap sa Flying Titans ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan.

“Doon kami nagkaroon ng chance. Sabi ko kaya natin ito kasi may kulang sila,” sabi ni Army assistant coach Rico de Guzman. “Si Tolentino, talagang pinaghandaan namin. Nawala sa plano namin.”

“Sabi ko sa kanila, sige enjoy natin, ipakita ang best natin and then i-apply natin yung ginagawa sa training,” dagdag pa niya.

Nanguna si Jovelyn Gonzaga para sa Lady Troopers na may 13 points at 19 receptions habang nagdagdag si Anne Esguerra ng 10 points, kabilang ang 3 blocks.

Ikinukumpara ni De Guzman kay Army legend Tina Salak, kuminang si setter Ivy Perez na may 9 points, kabilang ang 2 blocks, at nag-toss ng 27 excellent sets.

“Nakaka-pressure siya in a way, kasi Tina Salak iyon,” sabi ni Perez.

Nanguna si Cait Viray, pumunan sa puwesto ni Tolentino, para sa Choco Mucho na may 15 points, habang umiskor si Aduke Ogunsanya ng14 points bago lumabas sa third set. Hindi maganda ang pagbagsak ni Ogunsanya nang matapakan si Viray.