Standings W L
Cignal HD 3 0
Creamline 2 0
Choco Mucho 1 1
PLDT 1 1
Army 1 1
PetroGazz 0 2
Chery Tiggo 0 3
Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
2:30 p.m. – Choco Mucho vs Army
5:30 p.m. – PLDT vs PetroGazz
UMAASA si Royce Tubino na makapaglalaro sa pagsagupa ng Army Black Mamba sa Choco Mucho sa krusyal na duelo para sa ikatlong puwesto sa Premier Volleyball League Invitational Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Si Tubino, na naunang idineklarang hindi makapaglalaro sa torneo dahil sa schooling, ay sorpresang sumalang sa 25-22, 25-16, 21-25, 25-23 panalo ng Lady Troopers kontra PetroGazz noong Huwebes ng gabi.
Walang katiyakan ang kanyang paglalaro sa future games ng military club, siniguro ni Tubino na gagawin niya ang lahat para sa minamahal niyang koponan.
“For me kasi basta for the team, gagawin ko ‘yung lahat,” sabi ni Tubino, na nag-ambag ng 9 points sa panalo.
“Kaya ako nandito, para sa team kaya bumalik ako para sa team talaga. Ginawa ko talaga ‘yung best ko makatulong kay ate Jov [Gonzaga], gagawin ko ‘yung best ko,” dagdag pa niya.
Hindi pa tiyak kung makapaglalaro si Tubino sa 2:30 p.m. clash sa Flying Titans.
Target din ng PLDT na makisalo sa ikatlong puwesto kontra wala pang panalong Angels sa isa pang laro sa alas-5:30 ng hapon.
Ang weekend break ay inaasahang nagbigay sa Choco Mucho ng sapat na panahong makapag-reflect sa kampanya nito makaraang yumuko sa pre-tournament favorite Cignal, 26-24, 25-19, 16-25, 21-25, 11-15, noong Huwebes ng gabi.
Umaasa ang PetroGazz na maputol ang two-game skid at buhayin ang kampanya kasunod ng runner-up finish sa Creamline sa Open Conference noong nakaraang Abril.
Nagpakita ang High Speed Hitters ng potensiyal matapos na walisin ang Chery Tiggo ngunit hindi nakasabay sa power game ng Cool Smashers upang malasap ang 22-25, 16-25, 21-25 kabiguan noong Sabado.