PVL: AKARI NAKAISA

Standings W L
Chery Tiggo 1 0
PetroGazz 1 0
Cignal 1 0
Creamline 1 0
Akari 1 1
Choco Mucho 1 1
PLDT 1 1
UAI-Army 0 2
F2 Logistics 0 2

Mga laro sa Martes:
(Philsports Arena)
2:30 p.m. – UAI-Army vs F2 Logistics
5:30 p.m. – Creamline vs PetroGazz

NAKOPO ng Akari ang kanilang kauna-unahang panalo sa Premier Volleyball League sa pamamagitan ng 25-20, 25-22, 25-22 sweep sa United Auctioneers Inc.-Army sa Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena.

Nanguna si Prisilla Rivera ng Dominican Republic para sa Chargers na may solid all-around outing na 25 kills at 11 receptions.

Si Janine Marciano ang best local scorer ng Akari na may 10 points na sinamahan ng 15 receptions, Nag-ambag si Erika Raagas ng 9 points, habang nagtala si Ezra Madrigal ng 3 blocks para sa seven-point outing.

“First win is always a good win, of course. The guys really deserve this. I’m sure this is not only the first win. So, I’m really proud of them,” pahayag ni Brazilian coach Jorge Edson de Brito

Sa kanyang ikalawang professional game, si Raagas ay agad na gumawa ng impact para sa Akari, lalo na sa opensa.

“I think I just really wanted to contribute for the team in any way that I can, and I think of the role that coaches ask me of us,” wika ni Raagas, na naglaro ng dalawang seasons para sa Ateneo.

Ang pamumuno ni Rivera ay tiyak na nagpainit sa Chargers.

“She is so good,” ani Raagas. “I say it so many times her energy is so contagious. Even her mindset, it’s like having a coach inside the court playing with you and telling you what to do and I really appreciate that this season.”

Nanguna si Laura Condotta ng Canada para sa Lady Troopers na may 13 points at 12 digs habang nagdagdag si Jovelyn Gonzaga ng 8 kills.

Nahulog ang UAI-Army sa 0-2 kartada katabla ang walang larong F2 Logistics sa 0-2.