NAKAHULAGPOS ang F2 Logistics sa mainit na duelo sa PLDT upang maitakas ang 23-25, 25-23, 25-23, 25-15 panalo at kunin ang bronze sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kagabi sa Mall of Asia Arena.
“Nakaka-stress, nakakapagod,” sabi ni F2 Logistics coach Regine Diego. ”Pero masaya siyempre, we got the bronze. A win is a win. But we can still dream and we can still work it out, hopefully, makapag-champion, un naman ang goal nating lahat.”
“But it’s fulfilling,” dagdag ng nag-iisang lady coach sa premier pro volley league ng bansa. “Up and down pero masaya. There were moments that I would want to give up. I could’ve stayed where I was before, relax lang. But the challenge is making me strong at kailangan kong panindigan ito. I’m the first woman coach and I want more women here.”
Umiskor si Kim Kianna Dy ng 19 points, nagpakawala si Ara Galang ng 14 hits, at nag-ambag si Aby Maraño ng 11 points.
Nagtala sina Majoy Baron at Myla Pablo ng pinagsamang 14 markers subalit si playmaker Kim Fajardo ang kuminang sa Game 2, sa kinamadang 11 points na kinabilangan ng 5 attacks, 4 blocks at 2 aces bukod sa 24 excellent sets.
“First time kami na nandito, so our mindset is to get it,” ani Fajardo, isa ring dating La Salle stalwart, na nakopo ang top honors ng laro habang pinangunahan ang koponan sa best showing nito sa two-year stint sa liga.
Tulad sa kanilang series opener win noong Linggo, ang Cargo Movers ay kinailangang bumawi mula sa pagkatalo sa isang set bago nanalo sa sumunod na tatlo.