Mga laro sa Martes:
(Filoil Flying V Centre)
2:30 p.m. – Chery Tiggo vs PLDT
5:30 p.m. – Creamline vs PetroGazz
NAITALA ng Cignal HD, naglaro na wala ang kanilang head coach na si Shaq Delos Santos, ang 25-17, 21-25, 25-20, 25-20 panalo kontra Army-Black Mamba para mainit na simulan ang kanilang kampanya sa iPVL Invitational Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nagpasalamat si assistant coach Kirk Beliran na sinunod ng HD Spikers ang sistema ni Delos Santos sa pagwawagi sa conference opener.
“Nag-usap kami ni coach Shaq. Binigyan din ako ng advice na relax lang, walang pressure,” sabi ni Beliran sa pagmamando sa Cignal habang nakabakasyon si Delos Santos.
Kumana si Ces Molina ng 16 kills at sinupalpal ang apat na attacks upang tumapos na may 20 points at nakakolekta ng 16 digs para sa HD Spikers.
Kumamada si skipper Rachel Anne Daquis ng 3 blocks para sa 10-point outing habang nagposte si Roselyn Doria ng 10 points, kabilang ang 2 blocks para sa Cignal HD.
Nanguna si Nene Bautista para sa Army na may 14 kills habang nagdagdag si Jovelyn Gonzaga, bumalik sa active duty makaraang pangunahan ang Pilipinas sa bronze medal finish sa Southeast Asian Games beach volleyball, ng 13 kills at nakalikom ng 22 kills at 5 receptions.