Standings W L
Cignal HD 3 0
Creamline 2 0
Army 2 1
PLDT 2 1
Choco Mucho 1 2
Chery Tiggo 1 3
PetroGazz 0 4
Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
2:30 p.m. – Army vs PLDT
5:30 p.m. – Creamline vs Choco Mucho
STA. ROSA, Laguna – Sumandal ang Cherry Tigo kay Alina Bicar upang makaiwas sa pagkakasibak sa Premier Volleyball League Invitational Conference kasunod ng 25-22, 25-14, 25-21 pagwalis sa PetroGazz kahapon sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex dito.
Sa kanyang unang start sa conference, nag-toss si Bicar ng 13 excellent sets at nakakolekta ng 11 digs na sinamahan ng 3 attacks, 1 service ace at 1 block upang tulungan ang Crossovers na makopo ang kanilang unang panalo matapos ang tatlong sunod na pagkatalo.
“Very grateful ako kasi nagawa namin ‘yung strategy na gusto naming gawin,” sabi ni Aying Esteban matapos na makuha ang kanyang unang professional coaching win para sa Chery Tiggo.
Ibinigay ni Bicar ang kinakailangang kumpiyansa ng kanyang spikers, kung saan kumana si Shaya Adorador ng 15 points, habang nagdagdag si EJ Laure ng 13 points, kabilang ang match-clinching kill para sa Crossovers.
“Iyon ang ibinibigay na motivation para sa sarili ko. Grabe ang ibinibigay sa akin na kumpiyansa ni coach Aying,” sabi ni Bicar, na naglaro sa buong one-hour, 30-minute contest.
Nag-ambag si Mylene Paat ng 12 points habang kuminang din si Cza Carandang para sa Chery Tiggo na may 11 points. Kumubra si libero Buding Duremdes ngteam-best 20 digs.
Nagtala si Aiza Maizo-Pontillas ng 12 kills at 8 receptions habang gumawa si playmaker Chie Saet ng 18 excellent sets, 9 digs at 2 service aces para sa Angels.
Sa kabila ng solid efforts ng kanilang mga beterano, ang PetroGazz ay sibak na sa kontensiyon na may 0-4 record at dalawang laro na lamang ang nalalabi sa kanilang elimination round assignments.