Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
2 p.m. – Farm Fresh vs Cignal
4 p.m. – Gerflor vs PLDT
6 p.m. – PetroGazz vs Chery Tiggo
SANTA ROSA, Laguna – Patuloy sa pagbangon ang Choco Mucho at PLDT mula sa opening day defeats makaraang dispatsahin ang mag- kahiwalay na katunggali sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Santa Rosa Multipurpose Sports Complex dito.
Nagbuhos si Sisi Rondina ng 16 points, kabilang ang 2 blocks, at 10 digs para sa Flying Titans na naitala ang ikatlong sunod na panalo sa 25-21, 25-16, 25-20 pagbasura sa Galeries Tower.
Nalusutan ng High Speed Hitters ang malamig na simula upang gapiin ang Nxled, 22-25, 25-17, 25-11, 25-20, at mahila ang kanilang winning streak sa tatlong laro.
May 3-1 records, ang Choco Mucho at PLDT ay tumabla sa walang larong Chery Tiggo upang manatiling nakadikit sa nangungunang Creamline.
Umiskor sina Cait Vi- ray at Bea de Leon ng 11 at 10 points, ayon sa pag- kakasunod, para sa Flying Titans.
Gumawa si Regine Arocha, starter para kay injured Des Cheng, ng 2 service aces para sa eightpoint outing na sinamahan ng 7 receptions.
“Ginawa ko lang ‘yung mga tinuturo sa namin sa training. Pero alam ko sa sarili ko na ang dami kong kulang eh, ang daming mga errors ko kanina,” sabi ni Arocha.
“Na-realize ko naman din at alam kong mas gagalingan ko pa sa susunod. Mas pag-aaralan ko pa, mas pagtatrabahuan ko sa training,” dagdag ng dating Arellano University star.
Si Cheng ay hindi na makapaglalaro sa buong season makaraang magtamo ng ACL injury sa straight-set win ng Choco Mucho kontra Cignal noong nakaraang linggo.
Kumubra si Savi Davison ng 21 points sa 20-of-50 spikes at nagtala ng 11 receptions, nagdagdag si Erika Santos ng 17 points, habang nagpakawala si Royse Tubino ng 2 service aces para sa 13-point outing at nakakolekta ng 10 digs para sa High Speed Hitters.
Gumawa si Rhea Dimaculangan ng PLDT ng 20 excellent sets habang kumana si libero Kath Arado ng 18 digs at 11 receptions.
Tumapos si Lycha Ebon, nanguna sa first set romp ng Chameleons, na may 11 points habang naitala ni Chiara Permentilla ang apat sa kanyang 7 points mula sa service zone.
Batid ni coach Rald Ricafort na hindi maaaring magkampante ang High Speed Hitters na maaaring magbigay ng kumpiyansa sa kanilang katunggali.
“Kailangang mag- ing lesson sa amin yung bawal ang slow start kasi mabigat mag-serve si Nxled na nag-cause sa medyo kaguluhan sa first set,” sabi ni Ricafort.
“Eventually nakarecover naman at nakuha namin ang game,” dagdag pa niya.
Nahulog ang Chameleons sa 1-3, habang nalasap ng Highrisers ang ika-4 na sunod na kabiguan