Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
4 p.m. – Army-Black Mamba vs PetroGazz
6:30 p.m. – Chery Tiggo vs Akari
NAITAKAS ng Cignal ang 25-14, 25-11, 19-25, 17-25, 15-11 win kontra Choco Mucho upang mapanatiling buhay ang kanilang maliit na semifinal hopes sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kagabi sa Philsports Arena.
Naitarak ng HD Spikers ang four-point cushion sa fifth set at pagkatapos ay nalusutan ang paghahabol ng Flying Titans sa likod ng kabayanihan ni veteran skipper Rachel Anne Daquis.
May 2-4 record, ang Cignal ay nanatili sa seventh, kung saan huli nilang makakalaban ang PLDT (March 11) at Army-Black Mamba (March 16) na kailangan nilang talunin para sa posibleng shot sa huling semis berth.
Nahulog ang Choco Mucho sa 2-3 sa sixth subalit ang dalawang struggling teams ay nasa likod lamang ng fourth-running Chery Tiggo (3-2).
“We’re very thankful to the Lord, lahat ng challenges namin, nandiyan siya,” sabi ni HD Spikers coach Shaq delos Santos. “We know na magiging matindi ‘yung labanan dahil alam din namin gumalaw ang Choco Mucho. Good thing is na-maintain naming yung good attitude.”
Tumapos sina Daquis at Ces Molina na may tig-17 points habang napantayan nina Chai Troncoso at Rose Doria ang 15-point outputs at nagdagdag si middle blocker Ria Meneses ng 10 markers sa isang balanseng opensa na nawala sa naunang mga laro ng Cignal.
“Lagi naming nire-remind sa team na gusto namin ito. Talagang nag-work kami as a team. Pinagsama namin lahat ng talent naming at nandun yung eagerness na makabalik kami,” ani Daquis, na kumana ng 3 blocks at kumubra ng 10 digs.
Nagbuhos sina Isa Molde at Kat Tolentino ng tig-17 points para sa Flying Titans habang nagdagdag sina Cheng ng 14 markers at Maika Ortiz ng 7 points, karamihan ay sa running plays.