PVL: F2, CHERY TIGGO MAGHIHIWALAY NG LANDAS

Standings W L
Creamline 3 0
Chery Tiggo 2 0
F2 Logistics 2 0
PetroGazz 1 1
Cignal 1 2
Choco Mucho 1 2
PLDT 0 1
Army-Black Mamba 0 1
Akari 0 3

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – F2 Logistics vs Chery Tiggo
6:30 p.m. – Army-Black Mamba vs PLDT

TARGET ng F2 Logistics at Chery Tiggo na sumalo sa top spot sa kapana-panabik na showdown sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.

Maganda ang simula ng Cargo Movers sa ilalim ni bagong coach Regine Diego, habang maganda rin ang ipinakikita ni returning coach Aaron Velez sa reboot ng Crossovers matapos ang kabiguan noong nakaraang season.

Ang magwawagi sa 4 p.m. match ay sasamahan ang Creamline, na winalis ang Choco Mucho, 25-18, 25-13, 25-14, noong Martes ng gabi, sa ibabaw ng standings sa 3-0.

Sisikapin ng PLDT at Army-Black Mamba na makapasok sa win column sa isa pang laro sa alas-6 ng gabi.

Galing ang F2 Logistics sa 25-22, 25-23, 25-18 pagdispatsa sa Akari noong Sabado sa parehong araw na naitakas ng Chery Tiggo ang 25-21, 23-25, 25-16, 25-12 victory kontra Army.

Nagpakita ng kahandaan sina Diego at Velez na dahan-dahanin ang pagsulong ng kani-kanilang tropa.

“I can’t always say that this is already the destination because we’re still in the journey,” sabi ni Diego, ang nag-iisang woman coach sa PVL. “We have to be patient in learning because we can’t be good overnight.”

Isang halimbawa si Myla Pablo, ang pinakabagong acquisition ng Cargo Movers na sinisikap pa ring makakonekta sa plays ni Kim Fajardo.

“We have to take the experience and the ingredients to be consistent, like trusting one another and improving communication,” sabi ni Velez, na siya ring team manager ng Crossover.