Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. – F2 Logistics vs PLDT (3rd Place)
6:30 p.m. – PetroGazz vs Creamline (Finals)
LUMAPIT ang F2 Logistics sa pagkopo ng kanilang kauna-unahang Premier Volleyball League podium finish sa 20-25, 25-22, 25-18, 25-17 panalo kontra PLDT kagabi sa harap ng 11,314 fans sa Mall of Asia Arena.
Humataw ang Cargo Movers ng 18 blocks, anim mula kay Ara Galang na kanyang match-best, upang kunin ang 1-0 lead sa best-of-three All-Filipino Conference bronze medal series.
“Siyempre kailangan na naming kunin agad,” sabi ni Cargo Movers coach Regine Diego. “We have to lessen the errors and unahan namin agad. More fire lang, ituloy lang ng ituloy and we are on the right track.”
Nakatakda ang Game 2 sa Miyerkoles.
Nanguna si Kim Kianna Dy sa scoring na may 20 points, kabilang ang 3 blocks at 2 service aces, habang kumana si Aby Maraño ng 5 blocks para sa 19-point outing para sa F2 Logistics.
“Hindi pa rin kami puwedeng mag-relax. Dapat mas agresibo pa kami na makuha kasi talagang gusto namin,” ani Maraño.
“I don’t mind kung ano ang points na naibigay ko sa team. Ang importante sa amin panalo,” dagdag pa niya.
Sa kanyang best game para sa Cargo Movers, umiskor si Galang ng 13 points, kabilang ang 3 service aces, 18 digs at 18 receptions.
Ito ang unang laro na nagpakita si coach Ramil de Jesus, na ginabayan ang F2 Logistics sa limang championships sa defunct Philippine SuperLiga at sa Philippine National Volleyball Federation Champions League crown.
“Tingin ko malaking inspiration talaga iyon kasi dini-dedicate namin ‘yung laro para sa kanya,” sabi ni Maraño.
“Coach Ramil was also actually giving us like tips kapag nasa labas kami kung anong gagawin,” ayon kay Dy. “He is a big inspiration to all of us coaches and players.
Tumipa sina Jules Samonte at Dell Palomata ng 14 points habang nagdagdag si Jovie Prado ng13 points at 12 receptions para sa High Speed Hitters.