Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Nxled vs Galeries Tower
4 p.m. – F2 Logistics vs Cignal
6 p.m. – PetroGazz vs Choco Mucho
SA WAKAS ay nakatikim ang Farm Fresh ng panalo sa Premier Volleyball League makaraang walisin ang Gerflor, 25-17, 25-17, 25-15, sa duelo ng also-ran clubs sa Second All-Filipino Conference eliminations kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Isa itong historic moment para sa Farm Fresh, na tinapos ang12-match losing skid mula pa sa Invitational Conference.
Sa sumunod na laro ay pinataob ng Nxled ang sister team Akari, 22-25, 25-17, 25-23, 25-16, para putulin ang five-match slide.
Umangat ang Chameleons sa 2-5, habang ipinalasap sa Chargers ang kanilang ika-4 na kabiguan sa pitong laro.
Para kay libero Kiara Cruz, nagbunga ang paghihintay ng Foxies, na umangat sa 1-7 sa season-ending tournament.
“Sobrang tagal na rin namin itong inantay and naging patient lang kami and we’ve always had each other’s back kahit yung management, we’re so blessed to have them,” sabi ni Cruz.
“Parang overwhelming yung feeling for us and lalo na ‘yun nga, bata pa kami. Pero sobrang saya, ‘yun lang talaga, wala kaming ibang masabi kundi masaya,”dagdag pa niya.
Nakuha ni skipper at playmaker Louie Romero ang top honors ng laro makaraang gumawa ng 13-excellent set at tumapos na may 2 points.
“We’re very happy to have finally won. It’s a result of our training and sacrifices,” ani Romero. “We just hope to build on this (win).” Ang panalo ng Nxled ay inialay sa ina ni May Luna, na sumakabilang-buhay noong nakaraang Linggo.
Umiskor si , Luna na may 14 points, kabilang ang match-clinching kill.