Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
2 p.m. – Galeries Tower vs Akari
4 p.m. – Creamline vs Nxled
6 p.m. – Choco Mucho vs PLDT
SINANDIGAN ni Eya Laure ang Chery Tiggo sa kapana-panabik na 17-25, 25-19, 21-25, 25-22, 16-14 panalo laban sa Cignal at hinila ang kanilang winning run sa limang laro sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kagabi sa Philsports Arena.
Isang kill ni Laure ang nagbigay sa Crossovers ng 13-11 kalamangan bago humabol ang HD Spikers at narating ang unang match point sa 14-13 sa back-to-back attacks ni Ces Molina.
Kumana si Laure ng kill upang ipuwersa ang huling deadlock sa laro sa14-14 at isang block ni Cza Carandang kay Molina ang nagbigay sa Chery Tiggo ng kalamangan.
Tinapos ng Crossovers ang two-hour, 37-minute match sa service ace ni Laure.
Umangat ang Chery Tiggo sa 7-1 record sa likod ng Creamline na may perfect 7-0, habang ipinalasap sa Cignal ang ikatlong pagkatalo nito sa siyam na laro.
Sa unang laro, balik ang PetroGazz sa Final Four contention nang putulin ang four-match slide sa 25-22, 19-25, 25-16, 26-24 panalo kontra Farm Fresh.
Humataw si Laure ng 26 points, kabilang ang 3 blocks at 2 aces, at 11 digs habang nagdagdag si Cess Robles ng 18 points at 9 receptions para sa Crossovers.
“Five sets, it’s everybody’s game. Nagkataon lang, tumama kami sa dulo,” sabi ni Chery Tiggo coach Kungfu Reyes. “Luckily, I have two warriors (Laure and Robles) na nakipagbabakan sa amin.”
Nanguna si Vanie Gandler para sa HD Spikers na may 20 points habang nag-ambag si Molina ng 14 points at 8 receptions.