Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
4 p.m. – Creamline vs Cignal
6:30 p.m. – PetroGazz vs Choco Mucho
DINISPATSA ng F2 Logistics ang PLDT,
25-22, 25-21, 14-20, 20-25, 16-14, upang bigyan si bagong coach Regine Diego ng winning debut sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kagabi sa Philsports Arena.
Kinamada nina Myla Pablo at Kim Kianna Dy ang clutch kills kung saan nasayang ng Cargo Movers ang two-set lead at ang 5-2 advantage sa decider upang mamayani sa marathon two-hour, 43-minute match.
Masaklap ang pagkatalo ng High Speed Hitters, na umabante sa 14-13 sa atake ni Mich Morente ngunit nabigong maitakas ang panalo nang tawagan si Mean Mendrez ng net touch sa sumunod na rally.
“It was like championship. It was a good game,” wika ni Regine Diego, ang nag-iisang female mentor sa liga.
Tumapos si Pablo na may 21 points, 9 digs at 8 receptions habang nagdagdag si Dy ng 17 points para sa F2 Logistics.
Nakakolekta si Libero Dawn Macandili ng 35 digs at 10 receptions, at ginawa ang lahat ng kanyang makakaya para manatiling nakalutang ang Cargo Movers.
“She’s the glue that binds my team,” sabi ni Diego patungkol kay Macandili. “She played very well and she’s steady.”
Nanguna para sa PLDT si Dell Palomata na may 16 points, kabilang ang 3 blocks.