Standings W L
PLDT 1 0
Cignal HD 1 0
Choco Mucho 1 0
Creamline 1 0
PetroGazz 0 1
Army 0 1
Chery Tiggo 0 2
Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
2:30 p.m. – Cignal HD vs Choco Mucho
5:30 p.m. – Army-Black Mamba vs PetroGazz
UMAASA ang Choco Mucho sa mas mainit na performance ni ace playmaker Deanna Wong sa kanilang pagsagupa sa Cignal HD para sa solong liderato sa Premier Volleyball League Invitational Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Bagama’t naglaro na mas mababa sa 100 percent, si Wong ay nag-toss ng16 excellent sets at umiskor ng 5 points sa 25-21, 25-21, 25-23 opening day win ng Flying Titans kontra kulang sa taong Chery Tiggo noong nakaraang Sabado.
“She has a lot of minutes today because I really want her to test how far can she go today,” sabi ni Choco Mucho coach Oliver Almadro patungkol kay Wong.
“We really have to focus on her strengthening and we really have to focus as a team also so we need her inside the court,” dagdag pa niya.
Si Wong ay masusubukan kontra vastly-improved HD Spikers setter Gel Cayuna sa pagsisikap ng Flying Titans na mapanatili ang momentum ng kanilang straight-set win sa Crossovers sa 2:30 p.m. match.
Tatangkain ng PetroGazz at Army-Black Mamba na makapasok sa win column at iwasang samahan ang Chery Tiggo sa ilalim ng standings sa alas-5:30 ng hapon.
Matapos ang Open Conference debacle, ang Cignal HD ay determinadong umangat sa maikling torneong ito.
Sa likod ni Ces Molina ay naitarak ng HD Spikers ang 25-17, 21-25, 25-20, 25-20 panalo laban sa Lady Troopers noong Sabado.
“Like other teams, nagte-training din naman talaga kami and nung last league talaga muntik na kami sa Finals. So, ang goal talaga namin is every game, makuha namin at ma-improve din ‘yung skills namin. Hindi lang laging kunin ‘yung game,” wika ni Molina, na tumapos na may 20 points sa 16 attacks at 4 blocks sa four-set win ng Cignal HD.
The Angels cannot be counted out despite dropping their conference opener.
Sa 22-25, 25-23, 22-25, 20-25 pagkatalo ng PetroGazz sa Creamline noong Martes ng gabi ay unti-unti nang nakababalik si Myla Pablo sa porma na nagbigay sa kanya ng MVP material, apat na taon na ang nakalilipas, habang malaking puwersa si MJ Phillips sa gitna.
Sa kanyang ikalawang laro pa lamang sa indoor matapos na sumabak sa ibang bansa sa beach volleyball, umaasa si Army stalwart Jovelyn Gonzaga na magkaroon ng mas magandang koneksiyon kay setter Ivy Perez, lalo na’t hindi makapaglalaro si military club main hitter Royse Tubino.
“Nabitin ‘yung laban namin, pero hindi pa rin kami titigil kasi nakikita naman namin na lumalaban ‘yung team. At least we gave a good fight,” sabi ni Gonzaga.