Standings W L
Chery Tiggo 3 0
Creamline 3 1
F2 Logistics 3 1
PetroGazz 2 1
PLDT 1 1
Choco Mucho 1 2
Cignal 1 3
Army-Black Mamba 0 2
Akari 0 3
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Army-Black Mamba vs Akari
6:30 p.m. – PLDT vs Chery Tiggo
SISIKAPIN ng Chery Tiggo na mahila ang kanilang perfect run sa apat at mapalakas ang kanilang semifinal drive sa pagharap sa PLDT, habang pipilitin ng Army-Black Mamba at Akari na makaahon sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.
Magsasalpukan ang Crossovers at High Speed Hitters sa alas-6:30 ng gabi.
Wala pang talo sa ilalim ni returning coach Aaron Velez, ang Chery Tiggo ay mag-isang nasa ibabaw ng nine-team field makaraang gulantangin ng F2 Logistics ang Creamline sa isang epic five-setter noong Sabado ng gabi.
Hindi naman pahuhuli ang PLDT na nakabawi mula sa five-set setback sa Cargo Movers sa straight-set romp kontra Lady Troopers noong Huwebes, upang ibigay sa kanilang bagong coach na si Rald Ricafort ang kanyang unang panalo.
Sa 4 p.m. opener ay maghaharap ang Army at Akari, ang nalalabing winless squads sa liga.
Matapos ang second-to-last finish dito noong nakaraang taon, nangako ang Crossovers na paghuhusayin ang kanilang laro.
Sa kabila ng pagkawala ni leader Dindin Santiago-Manabat, ang Chery Tiggo ay namamayagpag sa likod nina Mylene Paat, EJ Laure, Cza Carandang, Shaya Adorador, Alina Bicar at libero Buding Duremdes.
Kasalukuyang second-best playmaker sa likod ni Cool Smashers captain Jia de Guzman, si Bicar ay solido sa pagdi-distribute ng plays para sa Crossovers.
“I just kept reminding them to continue to trust and believe in each other,” sabi ni Velez.
Ang PLDT ay unti-unti nang nakapag-a-adjust sa sistema ni Ricafort, kung saan nagningning si Mean Mendrez sa kanyang unang start sa huling start.
Ang High Speed Hitters ay nakakakuha rin ng malaking numero kina Jovie Prado, Dell Palomata, Mika Reyes, Michelle Morente at setter Rhea Dimaculangan, habang nagbabalik na sa kanyang dating porma si decorated libero Kath Arado.