LEGAZPI CITY – SUMALI ang 30 person with disabilities (PWDs) sa isinagawang macaroon making workshop sa Camalig sa Albay.
Layunin ng workshop na magbigay ng mga bagong kaalaman at kasanayan upang mapalakas ang kanilang paghahanapbuhay.
Sa pamamagitan rin ng pagbibigay sa kanila ng starter kits, maaari rin silang kumita sa sariling negosyo na makakatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO), Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Local Economic Development Investments & Promotion Office (LEDIPO) katuwang ang Department of Trade & Industry (DTI).
RUBEN FUENTES