INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 359,169 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases na naitala sa bansa.
Ayon sa DOH, ito ay matapos silang makapagtala ng 2 638 bagong kaso ng COVID-19 araw ng Lunes, Oktubre 19.
Sa listahan naman ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ay nanguna ang Quezon City na may 141 new cases, Cavite na may 140 new cases, Laguna na may 128 new cases, Batangas na may 120 new cases at Rizal na may 108 new cases.
May naitala namang 226 na bagong gumaling mula sa COVID-19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 310,303 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 26 namang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 15 rito ay nasawi noong Oktubre, 2 noong Setyembre, 5 noong Agosto, at 4 noong Hulyo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6, 675 ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 87 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport.
Kasunod pa rin ito ng kanilang nagpapatuloy na balidasyon at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.