Q’FINAL BONUS SA BOLTS

MERALCO BOLTS-2

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – NLEX vs NorthPort

7 p.m. – Alaska vs Phoenix

 

NANALASA si Anjo Caram upang pangunahan ang Meralco sa 103-89 panalo laban sa NorthPort  at kunin ang twice-to-beat quarter-final bonus sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ynares Center.

Nagpakawala si Ca­ram ng 30 points mula sa bench sa 11-of-15 shooting  upang tulungan ang Bolts na umangat sa 8-2 kartada.

Ang dating San Beda standout  ay nagbuhos ng 16 points sa final quarter, tampok ang isang 3-pointer na nagbigay sa Meralco ng 101-85 kalamangan, wala nang dalawang minuto ang nalalabi.

Bumuslo si Caram ng 4-of-6 mula sa long distance at gumawa rin ng 4 steals para sa Bolts, na umakyat sa No. 2 sa team standings.

“Naka-focus ang laro ko sa scoring. Ginawa ko ang lahat para ma-sustain ang panalo at masaya ako  nagawa namin,” sabi ni Caram.

Nagdagdag si import Allen Durham ng 26 points at 19 rebounds,  habang tumabo si Chris Newsome ng 17 points, 7 rebounds, at 2 steals.

Nag-ambag si Raymond Almazan ng 8 points at 7 rebounds sa ika-5 sunod na panalo ng Bolts, habang nagsalansan si John Pinto ng 8 points, 3 rebounds, at 2 assists.

Nanguna si import Michael Qualls para sa Batang Pier, na nalasap ang ikalawang sunod na pagkatalo at bumagsak sa 3-6 marka, na may 27 points, 10 rebounds, at 4 assists.

“I praised them for their efforts. Everybody contributed to the victory. Caram proved his real worth and delivered the needed points when the game was on the line,” sabi ni Meralco coach Norman Black. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (103) – Caram 30, Durham 26, Newsome 17, Almazan 8, Pinto 8, Maliksi 6, Faundo 4, Hugnatan 2, Amer 2, Quinto 0, Jackson 0, Jose 0, Hodge 0, Jamito 0.

NorthPort (89) – Qualls 27, Standhardinger 20, Anthony 19, Mercado 9, Lanete 8, Taha 3, Ferrer 3, Elorde 0, Cruz 0, King 0, Escoto 0.

QS: 20-23, 50-45, 72-69, 103-89.

Comments are closed.