Mga laro sa Sabado (Nob. 3)
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – NLEX vs Rain or Shine
7 p.m. – San Miguel vs Meralco
NALUSUTAN ng Alaska ang NorthPort, 95-85, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Tinapos ang elimination round na may 8-3 kartada, kinuha ng Alaska ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals bagama’t wala pang final standing ang mga koponan.
Tinuldukan naman ng Batang Pier ang season na may 2-9 marka.
Hindi naging madali ang panalo ng Alaska kung saan kinailangan nilang kumayod nang husto upang maitarak ang panalo.
Tila minaliit ng Aces ang kakayahan ng Batang Pier dahil sibak na ito sa torneo, salamat sa tatlong minutong 14-0 run, kasama ang tres nina JV Casio at Kevin Racal, at naisalba sila sa kahihiyan.
Muling gumawa si import Tony Harris ng double-double 27 points at 25 rebounds upang daigin si Rashad Woods sa kanilang personal duel.
“My players groped in the first three periods and got their rhythm in the final quarter,” sabi ni coach Alex Compton.
Nagbanta ang NorthPort nang agawin ang kalamangan, 78-75, sa 8-0 run, sa pangunguna ni Woods, at nag-panic ang Alaska at napilitan si coach Compton na tumawag ng timeout at ikasa ang game-winning strategy.
Nagpakita ang Batang Pier ng matinding pagtutol kung saan na-outshoot nito ang Alaska at tinapos ang first half na abante sa 47-41 matapos lumamang sa 13-11 sa tira ni Moala Tautuaa.
Nakipagpalitan ng puntos ang Batang Pier bago bumigay at lisanin ang Governor’s Cup na pangalawa sa kulelat. CLYDE MARIANO
Iskor:
Alaska (95) – Harris 27, Banchero 15, Teng 13, Manuel 12, Casio 11, Racal 9, Baclao 6, Enciso 2, Thoss 0, Exciminiano 0, Galliguez 0.
NorthPort (85) – Woods 33, Pringle 15, Tautuaa 13, Anthony 10, Elorde 4, Grey 4, Arana 2, Guinto 2, Gabayni 2, Espinas 0, Fortuna 0, Javelona 0.
QS: 24-15, 41-47, 64-62, 95-85.
Comments are closed.