Q’FINALS TARGET NG NLEX

NLEX-2

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – NLEX vs Rain or Shine

6:45 p.m. – San Miguel vs Meralco

 MATAPOS magbigay-daan sa paggunita sa All Saints’ Day, magbabalik ang aksiyon sa PBA Governors’ Cup kung saan puntirya ng NLEX ang ika-7 quarterfinal berth sa pagsagupa sa sibak ng Rain or Shine ngayon sa Ara­neta Coliseum.

Haharapin ng Road Warriors ang Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng duelo ng San Miguel Beer at Meralco sa alas-6:30 ng gabi.

Kung mananalo ang NLEX sa RoS, pag-aagawan ng sister teams Talk ‘N at Meralco ang huling quarterfinal slot. Tabla ang Tropang Texters at Bolts sa 4-6 kartada.

Kung mananaig naman ang Me­ralco sa SMB ay makasisiguro sila ng playoff para sa huling quarterfinal seat.

Kahit sibak na at maglalaro na walang import ang Rain or Shine ay ayaw magkumpiyansa ni NLEX coach Yeng Guiao dahil mahalaga para sa kanila ang panalo.

Ang Road Warriors ay nasa ika-7 puwesto na may 5-5 marka at kailangan na lamang ng isang panalo para umabante sa susunod na  round.

Ang Barangay Ginebra (8-2), Magnolia (8-3) at Alaska (8-3) ang top three teams at maghaharap ang Phoenix at Blackwater na kapuwa may 7-3 kartada para sa huling slot sa top four.

Muling sasandal si coach Yeng kay import Aaron Fuller, katuwang sina Larry Fonacier, Raul Soyud, Alex Mallari, JR Quinahan, Kenneth ­Ighalo at 6’11 veteran at  Fil-Tongan Asi ­Taulava.

Pinapaboran ang SMB kontra Me­ralco kung saan magiging sandigan ni coach Leo Isaac sina Kevin Murphy, Alex Cabagnot, Marcio Lassiterm Arwind Santos, June Mar Fajardo at Chris Ross.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.