NARAMDAMAN ang pagyanig sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan sanhi ng magnitude 5.5 earthquake sa Quezon kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ipinarating sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
Ayon sa PHIVOLCS tectonic ang origin ng lindol na naramdaman bandng alas-4:52 ng umaga na rumehistro may pitong kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Jomalig sa lalawigan ng Quezon.
Naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila, Camarines Norte, Pampanga, at ilang kalapit na lalawigan ayon sa Phivolcs.
Intensity 4, ang naramdamang lakas ng lindol sa Guinayangan, Quezon habang Intensity 2 naman sa Marikina City, Navotas City at Quezon City habang sa Muntinlupa City ay Intensity 1 o bahagyang pag-uga lamang.
Intensity 4 ang naitala sa Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte, Intensity 3 sa Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez at Mulanay, Quezon; Intensity 2 – Marikina City; Malolos City sa Bulacan; Gumaca at Dolores, Quezon; Baler, Aurora;
Intensity 1 – Iriga City; Malabon City; San Juan City; Quezon City; Pasig City; Guagua, Pampanga; Tali-say, Batangas; Palayan City. VERLIN RUIZ
Comments are closed.