RADIO BLOCK-TIMER BINISTAY NG BALA

Patay

NEGROS ORIENTAL – PATAY ang isang radio bloctimer sa isang local radio station sa Dumaguete City matapos pagbabarilin kahapon ng umaga.

Blocktimer ang tawag sa mga radio announcer na bumibili ng oras para sa kanyang programa at limitado ang tinatalakay.

Kinilala ang biktima na si Dindo Generoso,  67-anyos, residente ng Brgy. Banilad ng Bai Radio Station sa Du­maguete.

Sa ulat ng PNP Dumaguete, alas-7:30 ng umaga sakay ng kanyang sasakyan ang biktima na may plate number YKU 946 nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek sa Hibbard Avenue mula south patungo sa north direction sa Du­maguete city.

Tadtad ng tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang katawan dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo ng krimen.

Samantala, bubuo na ng isang special investigating team ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) kasunod ng pagpatay kay Generoso. REA SARMIENTO

Comments are closed.