DINISPATSA ng Rain or Shine ang NLEX, 110-100, upang kumpletuhin ang quarterfinal cast ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig.
Umiskor si Andrei Caracut ng 19 points mula sa bench, at nagdagdag si Gian Mamuyac ng 15 para sa Elasto Painters, na tinulungan si coach Yeng Guiao na sibakin ang kanyang dating koponan.
Kumana ang Elasto Painters ng 11-2 run, kabilang ang limang sunod na puntos ni Caracut upang basagin ang 87-87 pagtatabla, at ilagay ang talaan sa 98-89, may 2:53 sa orasan.
Isang three-pointer ni Leonard Santillan sa corner ang nagbigay sa Elasto Painters ng 12-point lead at hindi na lumingon pa.
Ang Rain or Shine ay nasa playoffs sa unang pagkakataon magmula noong Philippine Cup bubble sa Bacolor noong nakaraang taon at una sa ilalim ng nagbabalik na si coach Yeng Guiao.
Makakasagupa ng Elasto Painters ang top seed Bay Area Dragons, na may twice-to-beat advantage sa susunod na round.
CLYDE MARIANO