SINABI ni Yeng Guiao na hindi na niya kailangang kausapin pa ang kanyang mga player sa kung paano sila kikilos kapag nasa loob ng court.
Ayon kay Guiao, coach ng Rain or Shine na sasabak sa Asian Games na aarangkada sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Indonesia, higit siyang magiging maingat sa ikikilos ng kanyang mga player upang hindi na mangyaring ulit ang rambulan sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia sa kanilang 2019 FIBA World Cup qualifying game sa Philippine Arena.
“Sa akin, ‘di ko naman kailangang sabihin sa kanila… baka mag-iba iyong timpla nila. But I will just watch out for it and I will take control and responsibility for that,” wika ni Guiao.
Si Gabe Norwood ang nag-iisang player sa lineup ni Guiao na nasa koponan na nasangkot sa riot.
Si Norwood at ang dalawang iba pang Gilas players na hindi nakisali sa gulo ay nakaligtas sa suspensiyon ng FIBA.
Sinabi ni Guiao na mahalaga na hayaan ang kanyang koponan na maglaro subalit sisiguraduhin niyang hindi lalala ang sitwasyon.
“We will just be natural. I don’t want to hinder iyong style ng guys na paglalaro. I don’t want that to be a burden consciously. But to me I will take it as my responsibility for them to play the game the way it should be played para ‘di na maulit iyong mga nangyari,” aniya.
Comments are closed.