PANGUNGUNAHAN ni three-time Southeast Asian Games champion Annie Ramirez ang Philippine jiu-jitsu team na sasabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Naghari si Ram- irez sa SEAG -55kg category sa Manila (2019), sa -62kg category sa Vietnam (2022) at sa 57kg category sa Cambodia noong Mayo.
Walong gold medals ang nakataya sa ju-jitsu competition na gaganapin sa Xiaoshan Linpu Gymnasium mula Oct. 5 hanggang 7.
Sasabak din sa Asian Games na magsisimula sa Sept. 23 sina Meggie Ochoa and Jollirine Co (-48kg), Jenna Kaila
Napolis at Mariella Rafael (-52kg), at Andrea Lois Lao (-63kg) sa women’s division.
Ang men’s team ay kinabibilangan nina Marc Alexander Lim at Myron Myles Mangubat (-62kg), Michael Bryant Tiu (-69kg), Gerard Gallos (-77kg) at Dean Michael Roxas (-85kg).
Ang 13 atleta ay sasamaha nina coaches Allan Co, John Baylon at Stephen Kamphuis, JiuJitsu Federation of the Philippines Inc. president Ferdinand Agustin (head of delegation) at secretary general Antonio Sulit Jr., at Joshua Abella (team manager).
Bilang paghahanda para sa Asian Games, ang national athletes ay lumahok sa Ju-Jitsu International Federation World Championships sa Ulaanbaatar City, Mongolia noong nakaraang buwan.
“We have been building up for this event (Asian Games) during the year. We just have to believe in ourselves and stay in that zone,” wika ni Kamphuis sa Philippine News Agency nitong Linggo, nang tanungin hinggil sa medal chances ng mga Pinoy sa Hangzhou.
Si Baylon, isang nine-time SEAG gold medalist sa judo, ay sumama sa coaching staff ng jiu-jitsu ngayong taon at nasa likod ng paghasa pa sa potensiyal ni Ramirez.
Bukod kay Ramirez, ang iba pang Cambodia SEAG medalists sa koponan ay sina Napolis at Lim (gold), Ochoa (silver) at Mangubat (bronze).
-CLYDE MARIANO