(Ramirez sa paghahanda sa SEAG) “MAKE THE IMPOSSIBLE POSSIBLE”

MAY 100 araw bago ang pag-arangkada ng 30th Southeast Asian Games, inihayag ni Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kanyang suporta para sa iba’t ibang National Sports Associations (NSA) sa 3rd Consultative Meeting ng Team Philippines kahapon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

“Our objectives are bigger than us, so together we will make whatever seems impossible possible. It’s by continuous conversation that we find solutions,” wika ni Ramirez sa kanyang opening remarks.

May 53 mula sa 59 NSAs ang dumalo sa 3rd Consultative Meeting na kinatawan ng kanilang presidents at secretaries general.

Karamihan sa mga problema ng NSAs ay ang sport equipment na gagamitin ng kanilang mga atleta sa pagsasanay, gayundin ang pagsasapinal sa actual playing venues para sa November 30-December 11 biennial meet.

Isa si Monty Mendigoria, ang presidente ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, sa NSA heads na nagpahayag ng alalahanin sa playing venue ng skateboarding event ng 30th SEAG.

“Ang main problem po namin is the specs of the park event. The contractor gave us the design, basically, a drawing but we were asking for a detailed plan for sections and everything so that we know the depth, the height, the area and everything,” ani Mendigoria na ang tinutukoy ay ang isinasagawang konstruksiyon sa skate park sa Tagaytay City.

Ang skateboarding ay isa sa sports na hindi dapat balewalain pagdating sa gold medal chances ng Team Philippine, makaraang magtapos si 2018 Asian Games gold meda­list Margielyn Didal sa ika-5 puwesto sa katatapos na 2019 Street League Skateboarding World Tour sa Los Angeles, California. Sa kasalukuyan ay ito ang pinakamataas na pagtatapos ng isang Pinoy sa prestihiyosong torneo na nilahukan ng pinakamahuhusay na skateboard athletes sa mundo.

“We’re afraid na baka maapektuhan ang kanyang performance at saka ‘yung sure gold medal niya (Didal),” dagdag ni Mendigoria.

Tiniyak ni Ramirez na hindi titigil ang PSC sa paghiling sa Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na maghanap ng solusyon sa nasabing problema.

“These are the things na titingnan ng organizing committee (Phisgoc), PSC and POC. We need to immediately solve the problem. I hope we could find the solution on that skateboarding today. Kung may problema pa ‘yung iba, do not hesitate to call our attention,” ani Ramirez.

Ang 4th consultative meeting ay nakatakda sa susunod na buwan.

Comments are closed.