HUMATAW si Pascal Siakam ng season-high 33 points nang gibain ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 123-117.
Nagdagdag si Siakam ng 11 rebounds at 6 assists habang bumuslo ng 12 of 23 mula sa floor at kumamada si Kyle Lowry ng season-high 30 points para sa Raptors, na nagwagi sa ika-8 pagkakataon sa 12 games.
Napantayan ni Lowry ang season-best na may kalahating dosenang tres at tumulong sa pagsungkit ng panalo nang umiskor ng layup, may 35 segundo ang nalalabi para bigyan ang Toronto ng 121-113 kalamangan.
Si Nets star Kevin Durant ay inalis sa laro sa second half dahil sa COVID-19 protocols.
CELTICS 119, CLIPPERS 115
Nagbuhos si Jayson Tatum ng team-high 34 points at gumawa si Kemba Walker ng late surge para pangunahan ang Boston Celtics sa 119-115 panalo laban sa Los Angeles Clippers.
Nakalikom si Walker ng 24 points at umiskor si Carsen Edwards ng 16 points mula sa bench para sa Celtics na kinontrol ang third quarter tungo sa panalo.
Tumipa si Kawhi Leonard ng 28 points at nagdagdag si Lou Williams ng18 para sa Los Angeles, na naputol ang six-game win streak sa Staples Center arena.
Ang dalawang koponan ay kapwa walang key starters. Hindi nakasama ng Boston si Jaylen Brown dahil sa pamamaga ng tuhod, habang hindi naglaro para sa Clippers sina Paul George dahil sa toe injury at Patrick Beverley (knee).
Umabante ang Clippers ng hanggang 16 points sa huling bahagi ng second quarter at tinapos ang halftime na may 62-51 lead.
TIMBERWOLVES 106, THUNDER 103
Nagposte si Malik Beasley ng 24 points upang pagbidahan ang Minnesota Timberwolves sa106-103 panalo kontra sa host Oklahoma City Thunder.
Naitala ni D’Angelo Russell ang 14 sa kanyang 21 points sa second half, kabilang ang huling limang puntos ng Minnesota upang tulungan ang Timberwolves na putulin ang two-game losing streak.
Comments are closed.