NAGBUHOS si Kawhi Leonard ng career-best 45 points, kabilang ang 19 sa third quarter, at humugot ng anim na rebounds upang tulungan ang Toronto Raptors na gapiin ang bumibisitang Utah Jazz, 122-116, noong Martes ng gabi.
Ito ang career-best 14th straight game kung saan umiskor si Leonard ng hindi bababa sa 20 points.
Kumana si Pascal Siakam ng career-best 28 points at humablot ng 10 rebounds para sa Raptors, na nanalo ng dalawang sunod.
Nagdagdag si Norman Powell ng 14 points mula sa bench para sa Toronto.
Tumipa si reserve Jae Crowder ng season-best 30 points para sa Jazz sa opener ng four-game road trip. Natalo ang Utah sa ikatlong pagkakataon sa limang laro.
BLAZERS 113, KINGS 108
Nagpasiklab si Jusuf Nurkic, at binura ng bumibisitang Portland Trail Blazers ang nine-point deficit, may tatlong minuto ang nalalabi sa fourth quarter upang malusutan ang Sacramento Kings sa overtime noong Martes ng gabi.
Tumirada si Nurkic ng 24 points, humablot ng career-high 23 rebounds at nagtala ng pitong assists, limang steals at limang blocked shots para sa Blazers, na tinapos ang fourth quarter sa 11-2 run.
Nakalikom si Damian Lillard ng 25 points, anim na rebounds at anim na assists, at humataw si Seth Curry ng season-high 18 points mula sa bench para sa Portland.
Gumawa si Buddy Hield ng 27 points at nag-ambag si Nemanja Bjelica ng 14 points at 16 rebounds para sa Kings, na naghabol ng 14 points sa halftime subalit nakabawi upang umabante sa 101-92, may 3:10 ang nalalabi sa regulation.
NUGGETS 115, KNICKS 108
Kumamada si Nikola Jokic ng 19 points, 15 assists at 14 rebounds, nagdagdag si Malik Beasley ng career-high 23 points mula sa bench, at dinurog ng host Denver Nuggets ang New York Knicks noong Martes ng gabi.
Naitala ni Jokic ang kanyang ikatlong triple-double ngayong season at ang ika-19 sa kanyang career.
Umiskor si Paul Millsap ng 16 points sa kanyang ikalawang laro buhat nang bumalik mula sa broken toe upang tulungan ang Nuggets na magwagi ng ikatlong sunod.
Tumipa si Luke Kornet ng 19 points, gumawa si Kevin Knox ng 18 at nakalikom si Enes Kanter ng 17 para sa Knicks, na natalo ng walong sunod.
BUCKS 121,
PISTONS 98
Nagpasabog si Brook Lopez ng 25 points, kabilang ang pitong 3-pointers, upang pangunahan ang streaking Milwaukee Bucks sa panalo laban sa Detroit Pistons.
Nagposte si Khris Middleton ng 22 points at nagdagdag si Eric Bledsoe ng 18 at anim na assists para sa Milwaukee. Kumabig si Giannis Antetokounmpo ng 15 points, walong rebounds, pitong assists at tatlong blocks, at nakakolekta si Malcolm Brogdon ng 13 points, apat na rebounds at limang assists.
Comments are closed.