RAPTORS PINALAMIG ANG HEAT

Raptors vs Heat

NAITALA ni Norman Powell ang 14 sa kanyang game-high 23 points sa first quarter upang tulungan ang Toronto Raptors na dispatsahin ang Miami Heat, 101-81, noong Biyernes ng gabi sa Tampa, Florida.

Bumuslo si Powell, nakuha ang start dahil hindi naglaro si Kyle Lowry sanhi ng infected toe, ng 10-for-18 mula sa field.

Umiskor si Pascal Siakam, nakalista bilang ‘questionable’ para sa game dahil sa groin injury, ng 15 points at kumalawit ng  14 rebounds para sa Toronto.

Na-split ng mga koponan ang dalawang laro sa temporary home ng Toronto sa Tampa, kung saan nagwagi ang Heat, 111-102, noong Miyerkoles.

Nagdagdag si OG Anunoby ng 21 points para sa Raptors, na nakumpleto ang five-game homestand na may 4-1 record. Tumipa si Fred VanVleet ng13 points at nag-ambag si Terence Davis ng12 points mula sa bench.

Gumawa si Kendrick Nunn ng 22 points mula sa bench para sa Miami. Nag-ambag sina Bam Adebayo ng 14 points at 8  rebounds, Goran Dragic ng 13 points at Duncan Robinson ng 11 points.

76ERS 122, CELTICS 110

Kumamada si Joel Embiid ng 38 points at 11 rebounds nang gapiin ng host Philadelphia 76ers ang Boston Celtics sa ikalawang sunod na laro.

Nagtala si Tobias Harris ng 23 points sa 10-of-12 shooting at nagdagdag si Seth Curry ng 15 makaraang lumiban sa naunang pi-tong laro dahil sa health at safety protocols.

Nakalikom si Ben Simmons ng 15 points at 11 assists, at humugot si reserve Dwight Howard ng 12 rebounds.

Umangat ang Sixers sa 9-1 sa home.

Nanguna si Jaylen Brown para sa Celtics na may career-high-tying 42 points na sinamahan ng 9 rebounds habang tumapos si Marcus Smart na may 20 points at 7 assists. Nag-ambag si Kemba Walker ng 19 points.

PACERS 120, MAGIC 118

Isinalpak ni Malcolm Brogdon ang go-ahead 3-pointer, may 3.6 segundo ang nalalabi sa overtime, upang ihatid ang  Indiana Pacers sa panalo kontra Orlando Magic sa Indianapolis.

Tumapos si Brogdon na may 23 points, gumawa si Jeremy Lamb ng 22 mula sa bench at nagdagdag si Myles Turner ng season-high-tying 22 sa kanyang pagbabalik mula sa two-game absence.

Naiposte ni Evan Fournier ang pito sa kanyang 26 points sa overtime upang bigyan ang Magic ng 115-112 bentahe.

BULLS 123, HORNETS 110

Kumabig si Zach LaVine ng 25 points at naiposte ng Chicago Bulls ang kanilang unang three-game winning streak sa season nang igupo ang host Charlotte Hornets.

Nagbuhos si Lauri Markkanen ng 23 points para sa Bulls, na bumuslo ng 51.6 percent mula sa field. Si Markkanen ay 10-for-17 habang si LaVine ay 8-for-12. Naipasok ni LaVine, pumasok sa laro na may average na 27.4 points, ang lahat ng anim sa kanyang foul shots.

Umiskor si Bulls guard Coby White, nabokya noong Linggo sa Dallas at pagkatapos ay bumuslo ng 4-for-12 sa 10-point outing ng sumunod na araw sa Houston, ng 3-pointer sa kanyang unang attempt noong Biyernes tungo sa 18 points sa pagbabalik sa kanyang home state.

Tumabo si Gordon Hayward ng 34 points at tumirada si Devonte’ Graham ng season-high 24 points para sa Hornets na nalasap ang ika-apat na sunod na kabiguan.

Comments are closed.