HANDA na ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng kaukulang aksiyon ang ratipikasyon ng panukalang P4.506 trilyon na 2021 national budget at pag-apruba sa priority measures ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik-sesyon nito simula ngayong araw.
Ayon kina Speaker Lord Allan Velasco at House Majority Leader Martin Romualdez, determinado silang gampanan ang kanilang responsibilidad, kabilang ang agarang pagsasabatas ng 2021 General Appropriations Act (GAA) at iba pang mga panukalang batas na sinertipikahan ng Malakanyang bilang urgent bills sa susunod na apat na linggo nilang plenary session bago ang kanilang year-end break.
“We need to hit the ground running and make full use of this year’s remaining sessions to tackle and pass the priority measures, especially those that have been certified urgent by President Rodrigo Duterte,” sabi ni Velasco.
“We go back to work Monday with a full plate of priority bills scheduled for plenary and committee deliberation. Speaker Lord Allan
Velasco wants to place in the front burner all economic and anti-poverty measures so we can approve the President’s priority measures before the onset of the election season next year,” pahayag naman ni Romualdez, na siya rig chairman ng House Committee on Rules.
Binigyan-diin ng House Speaker na mahigpit nilang susundin ang physical distancing at health protocols sa kanilang plenaryo at committee hearings bunsod na rin ng patuloy na banta ng COVID-19.
Umaasa ang House leadership na matatapos agad ang bicameral conference para sa 2021 GAA at maratipikahan ng dalawang kapulungan para malagdaan ni Pangulong Duterte bago magtapos ang kasalukuyang taon.
Ani Velasco, ang record-high budget na ito ng pamahalaan ay maituturing na ‘single most powerful tool’ nito sa paglaban sa COVID-19 at makatutulong sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya at maging ng sambayanang Filipino mula sa nararanasang pandemya.
Bukod sa pagtutok sa pagsasabatas ng pambansang budget para sa susunod na taon, tinukoy rin ng House leadership ang mga panukalang batas na target nilang maaprubahan.
Kasama rito ang pagpapalakas sa Republic Act 9160 o ang Anti-Money Laundering Act (AMLA); pagpapataw ng 12% VAT sa digital transactions sa llalim ng Internet Transactions Act:; ang proposed Magna Carta of Barangay Workers; Coconut Levy Fund; National Land Use Act; Rightsizing the National Government Act; Right to Adequate Food, Anti-Ethnic, Racial and Religious Discrimination Act; at ang On-Site, In-City, Near City Local Government Resettlement Program. ROMER BUTUYAN
Comments are closed.