RAVENA BROTHERS, KOBE HATAW SA JAPAN B.LEAGUE

on the spot- pilipino mirror

CONGRATS  kina Kiefer at Thirdy Ravena sa magandang ipinakitang laro sa kani-kanilang team.

Bagaman natalo ang koponan ng  batang Ravena kontra team ng kanyang manong Kiefer ay maraming mga Hapon ang bumilib sa kanya, gayundin kay Kiefer na  siyang nagpanalo sa Shiga Lakestar na gumawa  ng 11 points, 8 assists, 3 rebs at 3 steals.

Kahit pa limang minuto na ang pinalipas bago ipinasok si Kiefer ay siya pa ang nagbigay ng momentum sa team Shiga upang habulin ang 19 points  biggest lead ng San En Neophoenix.

Matitinding assists at steal ang ginawa ni Kiefer. Kaya sinabi  ng coach ng Lakestar na superstar si Kiefer.

Kahit pa superstar si manong ay nagpapakamatay ito para sa kanyang team kaya naman umaatikabong hiyawan sa loob ng arena nang magpasalamat si Kiefer sa mga kababayan na nagsipanood ng laro nila.

Samantala,  bago ang laro ng Shiga kontra Neophoenix ay grabe naman ang .ginawa ni  Kobe Paras na nagpakilala agad sa kanyang mga teammate at kalaban. Halimaw ang ipinakita ni Paras.  Halftime pa lang ay kumayod na agad ito ng 20 points at nakapag-ambag  siya ng 5 points para sa final score, 85-81. Si Kobe ang highest scorer kahit talo ang Albirex Nigata.  Ayon nga sa player ay marami pa siyang matututunan sa Japan B. League lalo na ang diskarte sa kanitang team  Para kay Paras ay hindi pa sapat ang kanyang ipinakita sa unang laro. Babawi ito sa susunod na laro ng Albirex. Good luck sa mga Pinoy natin na mga import sa B. League.



Halos walong players ng Brgy. Ginebra ang tatanggalin sa team. Palalakasin umano ito upang hindi na mangyari ang pagkatsugi sa finals.

Ang mga player  na tatanggalin sa team ay sina Jeff Chan, Prince Caperal, Ken Salado, Raymond Aguilar, Arvin Tolebtino, rookie Brian Enriquez, Jasper Ayaay at Christian Standhardinger..

Sana tama ang deisisyon na ito ng team. At ‘yung pawang ipapalit ay makatutulong sa koponan.. Sa sarili kong opinion ay may ilang players na puwede pa sa team. Hindi lang makita ni coach Tim, o baka ‘di lang niya type ang laro.  Ang katotohanan ay mahusay ang ilan dito.

Anyway,  goodbye sa walong players na mawawala sa team.



Tuloy na tuloy na ang pagpasok ni James Yap sa politika. Sinabi ni San Juan Maypr Francis Zamora na tatakbo si James bilang konsehal sa  ilalim ng partido nito. Hintayin natin ang pag-file ng candidacy ng player.

3 thoughts on “RAVENA BROTHERS, KOBE HATAW SA JAPAN B.LEAGUE”

  1. I was looking for another article by chance and found your article casino online I am writing on this topic, so I think it will help a lot. I leave my blog address below. Please visit once.
    BB

Comments are closed.