RAYVER AT RODJUN CRUZ SHOCKED SA PAGPANAW NG INA

rayver and rodjun

NAKIKIRAMAY kami sa magkapatid na Rayver, Rodjun at Omar Cruz sa pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na ina na si hotshotsBeth Cruz na kilala noon na si Melody Cruz, isang mahusay na singer at dancer.

Na-diagnose ang kanilang ina na may pancreatic cancer last January, 2019  at  namatay ng early morning ng Saturday, February 2, kaya ulilang lubos na ang magkakapatid dahil ang kanilang ama na si Rodolfo Ilustre ay matagal nang pumanaw.

Nakakaiyak ang Instagram post ng magkapatid na Rodjun at Rayver sa hindi nila inaasahang pagpanaw ng ina.

Si  Rodjun ang unang nag-post ng malungkot  na balita kasama ang larawan ng  ina na kung saan yakap-yakap pa niya ito habang sila ay nasa ospital  bed, few days before ito pumanaw.

“Mama, maraming salamat sa mahigpit na yakap ilang araw bago ka kinuha ni Lord kanina. Sobrang mahal na mahal kita at alam ko na alam mo ‘yun.  You fought  a  good fight.

“Ang tapang mo at hanggang dulo lumaban ka dahil sa sobrang pagmamahal mo sa amin tatlong magkakapatid. Grabe ka Mama. Salamat!

“Sobra ang faith mo kay Lord. Everyday kang nananalig at nagdadasal sa kanya kahit na nabigla tayong lahat sa pangyayari na may pancreatic cancer ka.

“Sobrang sakit at hirap tanggapin na hindi na kita mayayakap, mahahalikan araw-araw at maririnig ang malambing mong boses at makikita ang ngiti mo na nakapapawi ng kahit na anong problema.  Pero kailangan namin tatagan ang loob naming magkakapatid dahil alam ko na sobrang saya ka na ngayon sa Heaven kapiling ni Lord God. Wala ng pain.

“Alam ko na mag-e-enjoy ka dun kumanta at sumayaw kasama ang mga angels. Love you so much Mama!!!” ang nakakaiyak na post ni Rodjun.

Kasunod nito ang post ni Rayver ng kanyang ma­damdaming mensahe para sa pinakamamahal na ina kasama ang larawan nila including a family photo na kuha sa ospital.

“Parang panaginip lang ang lahat na sana paggising ko ikaw agad ang makikita ko na masaya, masigla at punong puno ng liga-ya. Napaka-hirap  na pakiramdam na hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon palang miss na miss na kita.

“Bilib ako sayo mama lumaban ka ng husto para sa aming tatlo at kahit sa kahuli-hulihan kami pa ring mga anak mo ang iniisip mo.

“Maraming salamat  sa lahat mama, ngayon ay makakapahinga ka na sa isang napakagandang lugar kung saan ay puwede kang sumayaw at kumanta kasama ang mga angel at ang a­ting Panginoong Diyos.

“Mahal na mahal kita mama palagi kang mananatili sa puso at isipan ko kahit na anong mangyari. Paalam aming Reyna,” ang caption ni Rayver.

NETIZENS NAG-REACT SA PHOTO NI JOEY DE LEON AT PAOLO BALLESTEROS

IBA’T ibang reaction ng mga fan sa larawang ipinost ni Joey de Leon sa kanyang Instagram account  na kung saan katabi paolo and joeyniya si Paolo Ballesteros na isang mahusay sa make-up transformation.

Makikita kasi sa IG ni Joey na katabi niya si Paolo na naka-make-up na ala Mariah Carey habang nakaupo sila at nakaakbay si Joey sa balikat ni Paolo.

Sabi ni Joey sa caption, “With the singer with the IT..log! Maruya Carey-Carey!  See her  perform today in Eat Bulaga with the 10 Backlash Finalist!”

Maruya Carey ang character na pangalan ni Paolo na inspired nga sa American Diva na si Mariah Carey.

Sa larawan ay kapansin-pansin ang malusog na cleavage ni Paolo dulot ng artificial silicon boobs sa suot niyang v-cut  long neckline.

Marami ang naaliw sa nasabing larawan sa ga­ling ni Paolo na gayahin ang hitsura ni Mariah, pero mayroon din naman na-offend o hindi nagustuhan ang ginawang pose ni Joey.

Nakasapo kasi ang isang kamay ni Joey sa boobs ni Paolo. Marami ang nag-comment  sa post ni Joey na pumuna sa ginawa ng sikat na TV host/actor.

Pero mayroon din namang naaliw sa joke ni Joey at binibiro pa nga siya na baka raw magselos at mag-react ang kanyang misis sa ginawang pose na kung saan sapong-sapo ang boobs ng impersonator ni Mariah Carey.

Comments are closed.