RAYVER CRUZ – JANINE GUTIERREZ SPLIT UP TANGGAP NG PAMILYA CRUZ

TANGGAP nina Rodjun Cruz at ng asawa niyang si Dianne Medina ang umano’y break-up ng kapatid niyang si Rayver Cruz sa actress na si Janine Gutierrez.

Nabalitang nag-break na sina Rayver at Janine ngunit wala pang kumpirmasyon dito. Gayunman, binura na ni Rayver ang mga litrato ni Janine sa kanyang Instagram page.

Ayon kay Rodjun, anuman ang nangyari sa dalawa ay susuportahan nila si Rayver.

“Got your back always! Proud of you my brother @rayvercruz,” ani Rodjun. “Kaya mada­ming nagmamahal sayo at sobra kang blessed dahil napakabuti mong tao.”

“I love you @rayvercruz always and forever,” sabi naman ni Dianne sa kanyang brother-in-law.

Hindi binangggit nina Rodjun at Dianne si Janine sa pagbati nila kay Rayver kaya nagtatanong ang mga fans kung totoo nga bang nag-break na ang dalawa.

Kung ang pagbabasehan ay ang Instagram posts I Janine na ngayon ay nasa Qatar sa hindi malinaw na dahilan, wala namang makikitang kakaiba.

Taong 2017 pa nagsimula ang relasyon nina Janine at Rayver. Pareho silang hindi nag-unfollow sa Instagram, at ang tanging clue sa umano’y break-up ayang pagbura ni Rayver sa mga photos ni Janine.  – KAYE NEBRE MARTIN