RAYVER CRUZ KUMUHA NG LAKAS KAY JANINE

PAGKATAPOS ng huling lamay ng ina ng magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz kung saan ay nagwallface-upload pa sila ng video na nagsasayaw silang dalawa sa huling lamay ng ina, kasunod naman nito ay ang kalungkutan na damang-dama habang inihahatid ng magkakapatid ang ina sa huling hantungan.

Sa gitna ng pagdadalamhati, nakakuha naman ng lakas si Rayver sa rumored girlfriend na si Janine Gutierrez. Hindi niya iniwan ang boypren sa libing ng ina nito, ma­ging sa family photo sa memorial park ay nandoon pa rin si Janine, akap-akap ni Rayver. Sa kabila kasi ng lungkot ay pilit na nagpapakatatag sina Rayver at Rodjun lalo pa’t biglaan ang pagkamatay ng kanilang ina na kasa-kasama pa nilang nags-elebreyt ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Hindi rin nila inakalang malala na pala ang cancer ng ina. Sa ngayon ay life goes on para kay Rayver, back to work at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong nakidalamhati sa kanyang pamilya, lalong-lalo na kay Janine at sa pamilya nito.

Say pa rin ni Rayver sa ngayon ay  kumukuha silang magkakapatid na ulila nang lubos, ng tatag ng loob at comfort sa Mayka-pal.

EDGAR ALLAN GUZMAN KAKARERIN ANG PAGIGING CHINESE

HAPPY si Edgar Allan de Guzman sa pagi­ging official Kapuso na niya, pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract sa GMA7, ay sabak na agad sa work itong si Edgar.

For his first teleserye, siya ang magiging kontrabida kina Janine Gu­tierrez at Tom Rodriguez sa “Dra­gon Lady”, na isang Chi-nese businessman. Ayon kay Edgar, first time niyang lumabas na isang Chinese sa project kung kaya pag-aaralan daw niyang mabuti ang pananalita ng mga ito. Kukuha rin ng Mandarin lesson si Edgar para maayos na mabigkas ang mga linyang bibitawan na nasa Mandarin lan-guage. Happy rin si Edgar at nabigyang katuparan ang isa sa pangarap niyang makasama sa teleserye si Janine Gutierrez.

REGINE VELASQUEZ  MULING NA-BASH

SA pagkalma ng “walang utang na loob” bash sa Songbird na si Regine Velasquez Alcasid, nang lumipat siya sa ABS-CBN, heto at muli na namang na-bash ang Songbird sa social media.

Simpleng pakiusap lang naman ang hiling ni Regine sa kanyang mga follower na huwag na munang gamitin ang display photo o dp sa socmed ng kanyang followers, nalilito raw kasi si Regine kung account niya ang nagagamit niya o hindi. Sa ganitong sitwasy-on, may ilang napikon sa munting request ni Re-gine, may nagkomento na agad na walang utang na loob si Regine dahilan sa kaliga-yahan na raw ng isang fan na gayahin ang kanyang bagong profile pic, ipagdadamot pa raw.

REGINE VELASQUEZMay nagpayo pa sa Songbird na madali lang naman daw i-verify kung account niya ang gamit o hindi. May mga assistant na-man daw siyang puwedeng gumawa noon. Pero mas marami ang sumang-ayon kay Regine sa pagsasabing katamaran na rin daw kasi ang gumamit ng picture ng ibang account kahit pa sabihin na idol niya ang ginagamit na picture.

Samantala, inamin din ni Regine na wala silang Valentine date ng mister ngayong Araw ng mga Puso, dahilan sa pareho silang may concert na pagkakaabalahan sa naturang okasyon ng mga magsing-irog.

Comments are closed.