RAYVER CRUZ NAG-PROPOSE NA KAY JANINE GUTIERREZ

MAINIT ang bulong-bulungan na nag-propose na raw ng kasal si Rayver Cruz sa wallfacekasintahan na si Janine Gutierrez. Nangyari ang wedding proposal sa romantikong Eiffel Tower kung saan namasyal ang dalawa.

Kung matatandaan ay sumunod si Rayver kay Janine sa Paris kung saan naman ang dalaga ay dumalo sa isang fashion event na sponsored ng shampoo na iniindorso ng actress. Bilang ambassadress ng naturang produkto, si Janine ang nag-represent sa kompanya. Tsikang sa pagpunta raw nitong si Janine ay planado na raw ni Rayver na sundan ang kasintahan at doon na alukin ng kasal si Janine.

Ani Rayver, walang proposal na nangyari sa pamamasyal nila ni Janine. May mga nagpo-propose raw sa tabi nila ni Janine na ibang magkasintahan at nakita raw nilang dalawa iyon. Say pa rin ng actor, wala pa talaga sa plano nila ng gf na magpakasal. Planado raw talaga ang kanyang pagpunta sa Paris dahil sa rami ng kanyang commitments ay humingi siya ng bakasyon para pumunta sa isang importanteng family affair at sinama na nga ni Rayver ang pagdalaw sa gf na nagkataon na naroon nga sa Paris at natapat sa planadong bakasyon ni Rayver.

o0o

IMBES na magalit o magbigay ng kanyang reaksyon si Valeen Montenegro sa halos araw-araw na pagpapadala ng mga hate messages sa kanyang social media account, tila ginagawa pa ng sexy Kapuso actress na almusal sa umaga at pampalakas ng loob para sumabak muli sa trabaho.

Bilang kontrabida sa “Beautiful Justice” na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene, ay sobrang sama ng karakter ni Valeen, feeling lang niya ay manok ang buhay ng mga bida sa te­leserye na okey lang pahirapan at patayin kung kinakailangan.

Dahil di­to, mara­ming netizens at followers ng “Beautiful Justice” ang asar na asar sa aktres. Noong first week ng kanilang teleserye ay aminado si Valeen na nangangapa pa siya sa kanyang role. Ngayon na maraming galit o asar sa kanyang karakter ay naging proud si Valeen sa kanilang soap.

Marami nga sa mga televiewers ang tila bitin na bitin sa gabi-gabi dahil sa ‘bilis’ ng takbo ng istorya.

Comments are closed.