AMINADO ang bagong Kapuso actor na si Rayver Cruz na tinablan siya ng hiya nang makita at unang nakasama sa taping ang leading lady niya sa unang teleserye sa Kapuso Network, ang “Karibal Ko Ang Asawa Ko” na si Kris Bernal.
May kinalaman kaya ang hiya na ito ni Rayver kay Kris sa sinabi ni Kris na crush na niya ang actor kahit pa noong high school days niya.
Ani ni Rayver, flattered naman siya at crush siya ng kanyang leading lady pero hindi ito ang rason kung bakit nahihiya si Rayver noong first meeting nila ni Kris. Ani ni Rayver normal feelings lang daw kasi sa tulad niyang baguhan sa Kapuso Network ang mahiya ‘pag nakita for the first time ang kanyang co-actor sa trabaho. Pero lahat naman daw ng hiya na nadama ni Rayver ay nawala noong nag-workshop sila kasama si Thea Tolentino na isa rin sa leading cast ng naturang teleserye.
Say pa rin ni Rayver, ang babait daw ng dalawang actress at agad-agad ay nagkagaanan sila ng kalooban. Feeling ni Rayver ay welcome na welcome na nga siya sa Kapuso Network lalo pa sa pinakitang sweetness ng dalawa niyang leading ladies.
JASMINE CURTIS-SMITH KERING-KERI ANG PAGIGING ANAK SA LABAS
TUWANG-tuwa naman si Jasmine Curtis-Smith sa kauna-unahang teleserye niyang ginawa sa GMA7, ang “Pamilya Roces” na mapanonood pagkatapos ng “Onanay” sa Primetime block ng Kapuso Network. Anak kasi sa labas ang papel ni Jasmine, at kering-keri niya ang karakter na ito. Sisiw lang kay Jasmine na iportray ang pagiging anak sa labas at pagkakaroon ng ibang kapatid sa ama.
Say ni Jasmine, sa totoong buhay kasi ay tatlo rin ang naging pamilya ng kanyang amang Australiano. At marami rin siyang kapatid sa ama. Ani pa ni Jasmine ang pagkakaiba nga lang daw ng kanyang sitwasyon sa totoong buhay at sa karakter na ginampanan ay hindi nagkasabay-sabay ang tatlong pamilya ng kanyang ama, hindi tulad sa “Pamilya Roces” isang batch lahat ang tatlong pamilya ni Roi Vinzons.
Say pa rin ni Jasmine, sa kaso naman kasi ng kanyang ama, hindi ito pinagsabay-sabay, batch per batch daw ito. Meaning pagkatapos ng isang failed relationship saka lang pumasok sa panibagong relationship ang ama ni Jasmine. Dagdag pa ni Jasmine, close naman daw sila ng kanyang Ate Anne Curtis-Heussaff sa lahat ng kanilang kapatid sa ibang ina. Lagi rin daw silang nagcha-chat sa internet.
Bukod sa kanyang role, ay haping-hapi si Jasmine na nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang ilang sa magagaling na artista sa industriya tulad nina Roi, Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz, kasama rin si Snooky at mga dating kasamahan niya sa TV 5 na si Sophie Albert at Shaira Diaz.
Comments are closed.