ISINUSULONG ng Newspaper Dealers Association of the Philippines (NDAPI) ang programang Reading Awareness sa bansa.
Ayon sa grupo ng mga news dealer, dati ay nangunguna tayo na magaling sa lenggwahe na Ingles, kaya nakalulungkot na ngayon ay kulelat na ang Pilipinas sa buong Asya.
Dahil dito ay isinusulong ng NDAPI na maglunsad ng kampaya na hikayatin ang publiko, mga guro, mga estudyante at mga magulang na mabigyan ng atensiyon ang mga bata na magbasa pa rin ng diaryo para maging mulat sa mga balita at dagdag kaalaman na rin sa loob at labas ng bansa.
Minimithi nilang makibahagi sa programa ng pamahalaan hinggil sa pagsusulong ng edukasyon o ang programang ito ay maging isang bahagi na mga requirement sa edukasyon.
Bukod dito, kabilang sa objectives ng NDAPI ang maging matatag na partner sa negosyo ng publishers at CMAP.