BINIGYAN ng tulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang 17 dating mga miyembro ng communist-terrorist groups (CTGs) sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Binigyan ng P65,000 bawat isa na immediate and livelihood assistance aid mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga former rebels bukod pa sa certificate of eligibility mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at tig-dalawang sakong bigas mula sa pamahalaang lalawigan ng Laguna.
Hinimok ni 202nd Infantry Unifier Brigade Commander BGen. Cerilo Balaoro Jr., ang mga rebel returnees na pagyamanin at paunlarin ang mga nakuhang tulong para sa kanilang pamilya.
Hinikayat rin nya ang mga natitira pang miyembro ng CTGs na magbalik-loob na rin upang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.
Para sa isang benepisyaryo ng programa, lubhang nakatulong ang inisyatibo ng pamahalaan para sa pag-unlad ng kanyang pamumuhay mula nang siya ay magbalik-loob.
Ang mga dating rebelde ay tinulungan ng Laguna Peace and Order Council sa pamumuno ni Governor Ramil Hernandez.
RUBEN FUENTES