Apektado sina Maris Racal at Anthony Jennings sa mga kumakat na screenshots ng kanilang usapan sa messenger na inilabas ni Jamela Villanueva.
Si Jamela ang ex-girlfriend ni Anthony.
Ang fear lang kasi nila, baka makaapekto ito sa pelikula ni Vice Ganda na “And The Breadwinner Is…” Trending kasi sa social media sina Maris at Anthony dahil sa nasabing kontrobersya.
Nadamay pa ang nananahimik na si Rico Blanco na ex-boyfriend ni Maris.
Noon pa nagpapahiwatig si Janela sa kanyang mga post na may kinalaman daw si Anthony sa pakikipaghiwalay ni Maris kay Rico. Panay din ang pukol ng mga netizens kina Maris at Anthony na nagiging close nga sila. Pero lagi namang nagde-deny ang dalawa dahil may girlfriend nga raw si Anthony. Naku, napakagulo nyo!