INATASAN ng Joint Task Force COVID Shield ang lahat ng police commanders na ‘i-recalibrate’ ang pinaiiral na security at health safety strategies makaraang desisyunan ang unti unting pagluluwag sa ginagawang quarantine control ng gobyerno at planong interzonal travel.
Ayon kay JTF COVID Shields commander Lt. Gen Guillermo Eleazar, kaugnay ito sa pinakahuling desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa planong payagang makalabas na ang mas maraming tao at magbukas ang mga industriya sa bansa.
Aniya, ang desisyon ng IATF-MEID ay bahagi ng government’s economic recovery measures sa gitna ng matinding epekto ng COVID-19 pandemic.
Alinsunod sa desisyon ng IATF sa kanilang 79th Meeting, ibinaba na ang age restriction na maaring makalabas ng bahay at itinakda ito sa edad na 15 hanggang 65 years old.
Niluwagan din ang alituntunin hinggil sa pagtawid sa mga border at mas maraming tao na na ang isinama sa listahan ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) at exemption mula sa curfew.
Bukod dito, simula sa Oktubre 21 ay papayagan na rin ang mga leisure travel sa ibang bansa.
Dahil dito, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na isinasapinal na ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) kasama ang ibang Local Government Units (LGUs) ang guidelines para sa pagbiyahe sa mga probinsiya sa pamamagitan ng bus, barko at eroplano.
Gayunpaman, habang isinasapinal ang guidelines para sa travel pass ay naglabas ang NTF ng resolusyon na may kaugnayan sa pagbiyahe sa magkakaibang quarantine qualification na tinatawag na interzonal ay susundin pa rin ang patakarang ipinatutupad ng LGUs.
Kaya’t panawagan si Eleazar sa publiko na maging maingat sa paglabas sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health safety standard protocols na ipinatutupad ng pamahalaan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.