ISA na namang record sa Philippine athletics ang binura ni Filipino-American sprinter Kristina Knott.
Winasak ng track and field star at 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang national record para sa women’s 100-meter dash makaraang maorasan ng 11.27 seconds sa kanyang silver-medal finish sa Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, United States nitong weekend.
Kinumpirma ito ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa kanilang social media posts kahapon.
Sa tagumpay ay binura ni Knott ang 33 taong national record ni sports legend Lydia de Vega na 11.28 seconds sa parehong event.
Sa kanyang SEA Games stint, winasak din ni Knott ang national record ni De Vega sa women’s 200-meter dash, sa pagtala ng 23.01 seconds sa regional meet.
Comments are closed.