RED ALERT STATUS IBINABA NA 

afp

SIMULA kahapon ng tanghali ibinaba na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang antas ng kanilang alerto dahil karamihan umano sa mga local candidate ay naiproklama na nang Commission on Election.

Ayon kay Marine  Brig. Gen. Edgard Arevalo, taga pagsalita ng Hukbong Sandatahan simula alas-12:00 ng tanghali kahapon ay ibinaba ng AFP ang kanilang alert level mula sa Red Alert status ay ibinaba nila sa Blue Alert.

Nangagahulugan ito, 50 porsyento pa rin ng buong puwersa ng kasundaluhan ay mananatili sa kanilang mga himpilan at nanatiling nakahanda sa anumang kaganapan.

Ayon pa kay Arevalo, maaring sa susunod na mga araw ay tuluyan na nilang ibaba sa white or normal alert ang kanilang puwersa sakaling ma-iprok­lama na ang mga kandidato sa national positions .

Samantala,  nanawagan naman si AFP Chief General Benjamin Madrigal  Jr. at maging si Philippine Army Chief Lt. Gen Macairog Alberto sa samba­yanan na magkaisa na lalo pa’t natapos na ang botohan .

“May mga magkakaiba man tayong hinirang o napisil na iboto, subalit magkaisa naman tayo sa mithiing magkaroon ng mabuting pamamahala sa bansa,” ani Madrigal.

“We only have one country with one aspiration as a people which is national security and sustainable development that follows from strong basic institutions, “ dagdag pa ng opisyal. VERLIN RUIZ

Comments are closed.