RED-HOT HOTSHOTS

hotshot vs batang pier

Mga laro ngayon:

AUF Gym

1 p.m. – Phoenix vs Blackwater

4 p.m. – Alaska vs NLEX

6:45 p.m. –  Ginebra vs Terrafirma

NAIWASAN ng Magnolia Hotshots ang pagkulapso sa huli at naitakas ang 83-76 panalo laban sa NorthPort Batang Pier kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Napalawig ng Hotshots ang kanilang winning streak sa lima para umangat sa 6-4 kartada at lumakas ang kanilang playoff bid.

Nabaon ang Batang Pier, na maagang nasibak sa kontensiyon, sa 1-8.

Ang Magnolia ay naghahangad ngayon Top 4 finish na may kaakibat na twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

Target ng Hotshots ang 7-4 closing card sa pagsagupa sa Blackwater Elite sa huling araw ng eliminations sa Miyerkoles.

Samantala, naisalpak ni Chris Newsome ang isang fadeaway jumper sa buzzer nang maungusan ng Meralco ang Terrafirma, 95-93.

Tabla ang iskor sa 93, may pitong segundo ang nalalabi, tinanggap ni Newsome ang bola kay Baser Amer mula sa top of the key at binangga ang depensa ni CJ Perez para sa dagger jumper.

Ang kabayanihan ni Newsome sa endgame ay pumigil sa major upset ng also-ran Dyip at nagpanatili sa Bolts sa komtensiyon para sa Top 4 berth sa playoffs.

Umakyat ang Meralco sa 6-4, halos  24 oras makaraang malasap ang 79-92 pagkatalo sa TnT Tropang Giga.

Sinabi ni coach Norman Black na walang duda kung sino ang titira ng final shot para sa Meralco.

“I just put the ball in the hands of Newsome. He is our best player this conference. I just put the ball in his hands and gave him a chance to make a play. Fortunately, he was able to make that shot in the baseline to win the game for us,” sabi ni Black.

Tumapos si Raymond Almazan na may double-double na 15 points at 10 rebounds para sa  Bolts, na nakakuha rin ng 14 points, 8 rebounds, at 4 assists mula kay sophomore guard Bong Quinto.

Nagdagdag si Newsome ng 12 markers.

Nanguna sina Juami Tiongson at CJ Perez para sa Dyip na may tig-21 pointsz

Nalasap ng Dyip ang ika-8 kabiguan sa walong laro, subalit nakuha nito ang respeto ni Black.

“Big time respect to the Columbian team with the way they played today. I know they’ve been struggling this conference, but they didn’t give up,” sabi ng champion coach.

“They made things really difficult for us down the stretch. You have respect for that because they can easily give up in the game, but they did not. They wanted to win,” dagdag ni Black. “That’s what the PBA is all about, and I hope all teams play like that in the future, including us for that matter.”

Sa unang laro ay pinutol ng Rain or Shine ang three-game slide at nabuhay ang pag-asa para sa isang puwesto sa quarterfinals makaraang pataubin ang inaalat na Blackwater, 82-71.

Umangat ang Elasto Painters sa 5-4 kartada habang nahulog ang Elite sa 2-7. CLYDE MARIANO

Ang Iskor:

Unang laro:

Rain or Shine (82) – Mocon 19, Belga 14, Doliguez 8, Arana 8, Norwood 7, Borboran 7, Onwubere 5, Wong 5, Nambatac 5, Torres 4, Rivero 0, Rosales 0, Tolentino 0

Ponferada 0.

Blackwater (71) – Belo 15, Sumang 11, Canaleta 11, Escoto 10, Tolomia 4, Gabriel 4, Dario 3, Salem 3, Dennison 3, Daquioag 2, Golla 2, Magat 2, Trollano 1, Shaw 0.

QS: 16-20, 38-34, 63-45, 82-71.

Ikalawang laro:

Meralco (95) — Almazan 15, Quinto 14, Newsome 12, Black 11, Maliksi 11, Faundo 10, Hodge 8, Amer 8, Jamito 6, Salva 0, Pinto 0.

Terrafirma (93) — Perez 21, Tiongson 21, Cahilig 9, Celda 7, Camson 7, Adams 6, Khobuntin 6, Calvo 5, Balagasay 4, Ramos 3, Faundo 2, Agovida 2, Gabayni 0, McCarthy 0.

QS: 29-17; 51-36; 76-66; 95-93.

Ikatlong laro:

Magnolia (83) – Sangalang 23, Lee 14, Corpuz 10, Dela Rosa 10, Dionisio 10, Jalalon 6, Calisaan 4, Barroca 4, Banchero 2, Melton 0, Reavis 0.

NorthPort (76) – Standhardinger 18, Ferrer 18, Cruz 8, Nabong 8, Elorde 7, Manganti 6, Subido 5, Revilla 3, Taha 3, Guinto 0, Lanete 0.

QS: 24-15 ; 42-36 ; 70-56 ; 83-76

Comments are closed.