Laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
2:30 p.m. – San Beda vs Mapua
MAGHAHARAP ang Mapua at San Beda kung saan sisikapin ng dalawang koponan na makaiwas na mahulog sa No. 4 ng Final Four sa NCAA juniors basketball tournament ngayon sa San Andres Sports Complex.
Ang mananalo sa 2:30 p.m. playoff ay makakasagupa ng CSB-La Salle Green Hills sa Huwebes sa isa pang playoff para madetermina ang second at third-ranked squads sa semifinals.
Ang matatalo ay makakabangga ng elimination round topnotcher Letran sa Final Four sa March 6.
Sa kanilang huling pagtatagpo noong nakaraang February 8, naitakas ng Red Robins ang 76-62 win kontra Red Cubs, kung saan humataw si Nygel Gonzales ng
18 points.
Napanatiling buhay ng San Beda ang kanilang title-retention campaign nang pataubin ang San Sebastian, 93-80, upang kunin ang nalalabing Final Four berth.
Pangungunahan ni Chris Hubilla, nagbuhos ng 21 points, 19 rebounds at 4 steals, ang Red Cubs, na ranked third sa opensa na may 82.44 points per outing.
Ang pangunahing sandata ng Mapua laban sa San Beda ay depensa, kung saan nalimitahan nito ang mga katunggali sa league-best 67.33 points kada laro sa elims.